Yung hinihintay mo yung reply niya.
Pero tinulugan ka na pala.
Pero tinulugan ka na pala.
- Sorry pag aaral muna aatupagin ko.
- Sorry hindi pa tayo masyadong magkakilala.
- Siguro namimiss mo lang magka-GF.
- Marami pang iba diyan.
- Hindi lang naman ako ang babae sa mundo.
- May mas better pa sa akin. Try mong maghanap.
- Hindi pa ko maka-get over kay Ex eh.
- Hindi pa ako handang magmahal.
Pero yung totoo..
- PUTA LAYUAN MO AKO. AYAW KO SAYO!
Unknown (via banatera101) —
- Nainlove ka sa bestfriend mo, hindi mo alam kung sasabihin mo o itatago nalang hanggang mawala ang nararamdaman mo, kasi takot kang may magbago sa pinagsamahan niyo
- Nadulas ka sa harap ng crush mo
- Natatae ka na sa gitna ng exam, o klase, o habang nagbabyahe pauwi
- Nababahing ka o nauubo habang tahimik masyado ang classroom kasi nag-eexam, o nagku-quiz, ang hirap pigilan :))
- Feel na feel mo magtext……Hindi ka na pala UNLI.
- Feel na feel mong nakatingin siya sayo, pacute ka ng pacute, tapos yung nasa likod mo pala ang tinitignan niya LOL
- Flattered na flattered ka kasi patay na patay siya sayo, tapos malalaman mong pinagpupustahan ka lang pala
- Sa kwarto mo, feel na feel mong kumanta with matching actions, tapos may nakatingin na pala sayo kasi nakalimutan mong i-lock yung pinto

May isang tao na kumportable kang ka-chikahan. Yung tipong kayang kaya mong mag-open up sa kanya. Kaya mong ikwento sa kanya ang mga kalandian mo at kung ano ano pang nangyayari sa buhay mo.
At ngayon wala na siya, parang may kulang talaga sa buhay mo. Ayaw mo ng mag-kwento sa iba dahil alam mo namang hindi ka nila maiintindihan ‘di katulad niya..
- Pag kasama yung pamilya nya kala mo kung sinong maamong bata.
- Pag kasama yung kabarkada nya kala mo kung sinong siga.
- Pag kasama yung syota nya kala mo kung sinong napakaresponsableng tao.
- Pag kasama mo yung mga kaklase mo para kayong nakawala sa koral.
- Pag kasama yung tunay nyang mga kaibigan dun mo makikita yung totoong sya.
Para sakin ang daming taong ganto, at isa na ko dun. Para kasing ang hirap gumalaw ng maayos pag pamilya mo yung kasama mo lalo na pag di kayo ganung kaclose sa isa’t isa. tapos pag naman barkada mo parang kayo yung may ari ng mundo, kayo may hawak ng oras at wala kayong kinakatakutan pag magkakasama kayo. Pag naman syota syempre todo pa impress ka dun, gagawin mo yung lahat para maging kumportable sya at maging maayos yung pagsasama nyo. Pag mga kaklase mo naman halos magparty party kayo sa classroom nyo at magkakasama gumawa ng mga katarantaduhan.At ang huli ung mga tunay mong kaibigan, yung mga taong tanggap ka kung ano at kung sino ka. mga kababuyan mo sa katawan pati narin yung mga kaartihan mo. yung kahit na umutot ka sa harapan nila ayos lang kasi kumportable na kayo sa isa’t isa.
Siguro yung iba hindi ganto kasi sila yung mga taong hindi nahihiya ipakita kung sino sila at hindi naiilang kahit sino pa yung kasama nila. At sana lahat nalang ng tao ganun para alam mo kung sino talaga yung mga nagpapakatotoo at kung sino yung nagpapakitang tao.
- Kasi hindi mo alam kung seryoso ba sya sayo.
- Kasi hindi mo alam kung mahal ka ba nya talaga.
- kasi baka mamaya pinagttripan ka lang nya.
- kasi baka mamaya niloloko ka lang nya.
- kasi baka mamaya iiwan ka lang din nya.
- kasi baka mamaya kagaya lang sya nung ibang lalaki.
Iilan lang yan sa mga alinlangan naming mga babae sa tuwing may manliligaw samin, sa tuwing sasagutin namin kayong mga lalaki. Ang laking takot sa dibdib namin yan pero sinasawalang bahala namin yan kasi mahal namin kayo at may tiwala kami sa inyo. pinagkakatiwala namin ang mga puso namin sa inyo at umaasa na hindi nyo kami lolokohin at mamahalin nyo kami kagaya ng pag mamahal namin sa inyo.
Kaya kung minsan wag nyo kaming sisisihin kung bakit magkakapareho lang ang tingin namin sa inyo kasi halos lahat ng mga lalaking minahal namin iniwan din naman kami nung bandang huli. Pero naniniwala naman kami na may isang lalaki ang para sa amin at handang gawin ang lahat para mapasaya lang kami at ipaunawa samin na hindi lahat ng mga lalaki ay magkakapareho.
Tatagal kayo kasi nangangahulugan lang yan na sa relasyon niyo hindi niyo kailangan ang sex para lang tumagal ito. Magsisilbi itong foundation ng trust sa inyong dalawa dahil nirerespeto niyo ang bawat isa.
Ang hirap kasi sa mga kabataan ngayon kabago-bago pa lang ito na agad ang naiisip, kaya masisisi mo ba kung baket ang mga magulang mo ay walang tiwala? Masisisi mo ba kung baket kapag dumating yung araw na ika’y may syota na ay sila’y nagwawala?
Masyado kasing mapusok ang kabataan.
- Konting uto ng boyfriend = Sex
- Birthday gift daw = Sex
- Sinabi lang na mahal siya = Sex
Mahalin mo yung lalaking mahal ka kahit hindi ka magawang maikama.
And what? You just walked away without uttering a word. You kept all those feelings inside you because you thought it’s for the better. But no, you just wasted your opportunity to tell him everything running in your mind and what’s going with you. You just let go that’s easily without explaining yourself. This is the reason why some people can’t move on easily. They become bitter because unsaid feelings are making them bitter. They now realized “what if?” What if you told him the truth then you’re happy right now. You never know unless you try right? But it’s too late. The word goodbye has been said and now, everything is gone.
Matatawag natin tong M.U mutual understanding o kaya naman malanding ugnayan lang talaga. Ginagawa niyo yung mga bagay na ginagawa ng mga taong magkarelasyon. Pero may limitasyon. Walang mga pangakong nagaganap. Maaring mangako pero hindi dahil nangako siya gagawin niya. Wala naman kayong commitment sa isat isa. Basta ginagawa niyo lang yung ginagawa ng mag karelasyon pero hindi kayo.. Mga bagay na ginagawa ng mga taong nasa ganitong sitwasyon.
- Itetext ka niya kung kailan man niya gusto, syempre ikaw naman tong si inlove sa kanya mag rereply ka naman agad. Tapos mag katext kayo buong mag hapon.
- Nag iilove-yuhan kayo. Lahat nalang ng sweet ng mga salita sinasabi niyo sa isa’t isa. Daig niyo pa ang mag asawa.
Pero minsan mapapaisip ka paano na kung iwan ka nalang niya bigla, pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? Masakit? Oo masakit. Parang pumasok kana rin sa isang relasyon pag iniwan ka niya. Kasi broken na broken ka. Tapos sabayan pa ng mga pang broken hearted na kanta. Ay, puta! Pang famas na ang peg mo teh! Ang hirap lang sa ganitong sitwasyon.
- Pag ayaw niya na sayo, wala ka ng magagawa.
- Pag iniwan kana niya nganga ka nalang. Wala kang habol sa kanya kasi nga hindi naman naging kayo. Parang dalawang taong nagsama lang sa isang bahay nagkaanak sila. Pero hindi sila kasal. Tapos iniwan nong lalake yung mag ina niya. Walang habol ang babae sa lalake pag iniwan sila. (Ikorek niyo ko kung may habol pa nga ba ang mag ina kung iniwan sila nong tatay kahit hindi kasal)
- Gusto mo siyang ipakilala sa mga magulang mo. Pero nag aalinlangan ka. Kasi hindi naman siya nanliligaw e, nilandi ka lang niya. Nilandi niyo lang ang isat’ isa.
Hindi ko alam. Kung may natatagal ba sa ganitong sitwasyon. Depende nalang sa inyong dalawa. Kung matatag kayo at kung mahal niyo ang isa’t isa. Kahit na hindi naman kayong dalawa.. At kaya niyong maghintay sa panahong magiging kayo na talaga.